Add parallel Print Page Options

Ngunit(A) si Nadab at si Abihu ay naunang namatay sa kanilang ama, at hindi nagkaroon ng anak. Kaya't si Eleazar at si Itamar ang naglingkod bilang mga pari.

Sa tulong ni Zadok na isa sa mga anak ni Eleazar, at ni Ahimelec na isa sa mga anak ni Itamar, pinangkat-pangkat sila ni David ayon sa kanilang mga gawain sa kanilang paglilingkod.

Palibhasa'y mas maraming pinuno na natagpuan sa mga anak ni Eleazar kaysa sa mga anak ni Itamar, sila'y hinati sa ilalim ng labing-anim na mga pinuno sa mga sambahayan ng mga ninuno sa mga anak ni Eleazar, at walo naman sa mga anak ni Itamar.

Read full chapter